VERSE


ANG AKING LAHI, NOON AT NGAYON

Noon, ang aking lahi ay kilalang marangal, lahi ng magigiting na bayani na may dignidad at paninindigan, na handang mag-buwis ng buhay alang-alang sa bayan.

Noon, ang aking lahi ay may takot sa may lalang, tunay na maka-Diyos, makatao at makabayan. 

Noon, ang aking lahi ay isang Kristiyanong totoo, tunay na panatiko sa turo at hindi pretensyoso. 

Noon, ang aking lahi ay may prinsipyo at dangal sa sarili, likas na marespeto at mapagmahal sa kapwa tao.

Noon, ang aking lahi ay may pagkakaisa sa isip at gawa, sa nakaugaliang bayanihan, bigat ng pasan siguradong nagdadamayan.

Noon, kami ang lahing Pilipino, na PINOY kung tawagin, saan man kami mapadpad ng hangin. Pinagmamalaking lahing Pilipino, laging taas noo maging kahit kanino

Ngayon, ang aking lahi na walang paglingon sa pinang-galingan, siguradong di tiyak ang patutunguhan.

Tunay ng'ang madaling lumimot sa mga nakaraan, kaya walang pagtuto sa kasalukuyan. 

Lahi na paulit-ulit ang masasamang kasay-sayan, kaya ang bayan wala sa katinuan.

Ngayon, ang aking lahi na puro nalang pagpapanggap, mistulang walang sariling pagkaka-kilanlan at nang hihiram ng kultura sa banyagang bayan.

Ngayon ang aking lahi na ang laging sigaw na sila ay Pilipino daw, datapwa't banyaga ang winiwika at sila'y nasa mga dayuhang lupa.  

Ngayon, ang aking lahi na hindi alam ang ibig sabihin ng pagkakaisa, madaling malinlang ng mga Politika, madaling paikutin ng Media at maging ng mga Artista.

Ngayon, ang aking lahi ay mayroon din namang mga bayani, mga huwad na bayani na may maitim na ambisyong pang-sarili.

Ngayon, ang aking lahi ay mayroon ding bayanihan na animo'y sarsuwela at maya-maya eh pananamantala pala. 

Bayanihan nga kaya kung ito'y maihahambing? Pero pang ga-gancho pala itong maituturing.

Ngayon, ang aking lahi na maka-Diyos daw, malamang nga na totoo, pero teka; baka si gintong Baal na ito.

Ngayon, ang aking lahi na mala-pagano, na mistulang santong kabayo, na nawala ng tuluyan ang pagiging kristiyano, kaya walang pakundangan sa pagpaslang ng tao.

Pero mabuti pa nga siguro maging pagano ang lahi kong ito, kung ang pananampalatayang kristiyanismo ay ginagamit sa panloloko ng mga Pilipino.

Mga kalahi, bago man lang malagot yaring munting hininga, ako po ay nagtataka, nagtatanong at nag-iimbistiga, kung ako'y lahing Pilipino pa o lahing kakaiba na?

Mga kalahi, masagot nawa ninyo ang agam–agam kong ito, isang tanong lang po na-iiwan ko. Maging isang lahing Pilipino ba? Ay isang lahing totoong "PINAG-PALA" o isang lahing tunay na "SINUMPA".  


TAWID DAGAT — PINOY FOR EXPORT

Ang tingin ng marami sa bansang Pilipinas, ay isang bansang malabo pa sa liwanag ng lumang lampara ang pag-asa, gobyernong walang kwenta na hindi maihahambing sa iba.

Sabi ng marami sa pagtawid dagat ay mabuti na ito, dahil sa sariling bayan ay walang pag-asenso dito.

Iiwan mga mahal namin sa buhay, upang makatulong na sila'y mabuhay. Pikit matang naming lilisanin, tiim bagang na susu-ungin, parang isang bangungot na kay hirap magising.

Bagong bayani nga naman kung kami'y kanilang ituring, ngunit isang ka-martiran pala kung ito'y iyong tatantuin.

Tawid dagat kung kami ay tawagin, na kulang na lamang ay selyo na parang isang bagahe na patungo sa ibang ibayo.

Malaking tulong daw ito sa aking gobyerno, dolyares nga naman ang balik sa bayan ko, na siguradong ibubulsa naman ng mga Politiko.

Wala talagang pagpipilian sa bansang aking sinilangan, kundi sumagwan patawid nitong karagatan.

Ginapang ng aking mahal na magulang ang aking edukasyon, matapos makapagtapos sa Unibersidad ngabang panahon.

Dahil edukasyon daw ang puhunan para maka-ahon sa hirap na nakasadlakan, tapos ay ito lang pala ang kahihinatnan, magpa-paalipin sa dayuhang bayan.

Kaming mga tawid dagat na ina-alipin ng mga Arabo, Europeo, pati na ng mga Amerikano, hanggang ibang kasamahan ko, na-ngamatay na sa kamay ng amo.

Tinitiis pang-aalipin ng mga ito, nandyan maltratuhin, gahasain at paslangin, subalit Pilipino nga nama'y likas na matiisin, kaya ayon si Juan sige parin.

Ang aming gobyerno ay walang magawa, kundi pauwiin ang Pinoy na nasalanta, kadalasan ang iba'y mistulang kawawa, kadalasan ay wala ng saysay at minsan pa ay wala na ring buhay.

Ito ang doktrinang pinilit itinanim sa kamalayan ng mga Pilipino, dahil sa hirap ng buhay kailangan sundin ito Sa Tawid Dagat ay malamang ang asenso, kahit pa kadalasan ay sakripisyo ang kapalit nito.

Sa mga tawid dagat na tulad ko, di namin alintana ang mangyayari dito. Buwis buhay na hanapbuhay, susu-ungin para lang mabuhay.

Iiwan pati sariling lupain, na parang isang takip silim na walang ng umagang darating.

Oh anong lungkot kung i-isipin, Oh anong hirap kung dadanasin, ito ba ang hatid ng tadhana sa tulad amin?

Dapat ang mga nasa gobyerno namin, ang siyang mag-ibang ibayo, para naman maranasan ang mga pasakit at sakripisyo na ito.

Ang tanong ko po ay ganito, sa banyagang bayan nga ba ang tunay na pag asa? o sa sariling bayan na sinisinta? Saan nga ba ang kahihinatnan nang tanong na ito?, sa tulad naming nagkalat na sa mukha ng mundo...


NANG BINARIL SA PALIPARAN ANG DILAW NA KILYAWAN

THE RISE OF PHILIPPINE OLIGARCHY AND THE DAWN OF THE YELLOW PROPAGANDA

Sumpain nawa ang lahi ng ibong ito ng mga Umalagad, Diwata at Anito ng kalikasan.                 

Isang ibong Dilaw na Kilyawan daw na nagnanais ng kalayaan para sa kanyang bayan Humahagibis ang lipad nito sa kakahuyan, at mistulang naka-sisilaw balahibong dilaw, na nagnining-ning sa sikat ng araw.

Simbulo daw ng katapusan ng Diktaturya ang hatid niya, ang hindi alam ng marami'y simula ng pagbangon ng isang malupit na 
"Oligarkiya"

Tandang tanda ko pa noong akoy bata pa, ng lumapag ang mga paa ng dilaw na Kilyawan noon sa ating paliparan, isang alingaw-ngaw ang bumugaw sa kamalayan ng sambayanan Bagsak at walang buhay ang dilaw na Kilyawan, na nagtulak ng rebolusyon sa buong sambayanan.

Sayang daw na pag-asa ang dala-dala niya, ang Kilyawan na nanga-ngakong ibabagsak ang halos dalawampung-taong Diktaturya, ng mabigyang daan ang walang hanggang Oligarkiya. Tunay nga bang pag-asa ang dala nya para sa bayan o pansariling interes lamang sa kapangyarihan?   

Mga lupain na kinamkam ng angkan nitong dilaw na Kilyawan sa sambayanan, na ayaw ng ibalik sa kina-uukulan.

Lahing Oligarkiya ang tawag sa kanila, sila ang mga Haciendero at mga Haciendera.

Repormang nanga-ngakong iaahon ang bayan sa kahirapan, sa munting bayan ng Tarlac ito ay iyong masasaksihan, Bayan na napapalibutan ng nagdudusang mamamayan, at nanga-ngamatay na sa tubohan.

Mga Oligarkiya nga naman, na tad-tad ng maraming tauhan, ngunit lahat ng tauhan ay salat sa kabuhayan, at mga nag-didildil ng asin sa kanilang hapag kainan, pero teka lang kaibigan; sila ang lahi ng dilaw na Kilyawan, ang angkan ng mararangya at napakayayaman.

Tunay nga na sila'y makapangyarihan, naga-gawang baliktarin at ikubli ang katotohanan, ito'y mapa Dyaryo, Radio at Telebisyon man.

Marahil nga pare-parehas kulay ng balahibo nila, siguradong sa paglipad sila ay magkakasama Samantala, ang maliliit ay mananatili sa lupa at paniniwalain sa kanilang bulaang salita.

Totoo ang kasabihan aking kaibigan, na ang kamang-mangan ay nagdudulot ng kahirapan Lingapin mo sana kabayan ng bahagya ang kasay-sayan, Isiping mabuti ang mga kaganapan. Wag sanang mag-palinlang sa dilaw na Kilyawan, upang liwanag ay matanaw sa kinabukasan.

Sabi ng nakararami ang dilaw na Kilyawan daw, ay isang bayani; dahil pinalaya n'ya daw ang marami Pinalaya nga ba, kailan? pinalaya nga ba, saan? yan ang tanong ng karamihan.

Sa kasalukuyan ang mga inakay at lipi naman ng dilaw na Kilyawan, ang naghahari at nakapwesto sa ating bayan, animo'y matitino kung titignan at relihiyoso kung pagmamasdan.

Siguradong kasinungalingang imahe ang pinambubulag sa mamamayan, para sa ganon sila'y manatili sa kapangyarihan.

Kailan kaya mamamagod mga pak-pak nila? kailan kaya lalapag sa lupa mga paa nila?

Dapat yata baralin sa  Luneta ng sambayanan ang lahat ng dilaw na Kilyawan, upang wakasan ang kahirapan sa ating bayan.

Lingapin natin mga kababayan, ang kasaysayan ng bansang Fransya, na pinag-puputol ang ulo ng mga Oligarkiya nila upang sa ganon ay may pagbabago, upang kasaganahan ng nakararami ay matamo.

Tabi-tabi po sa inang kalikasan, lalo na sa tunay na ibong Kilyawan nagamit ko ang iyong imahe at pangalan, wag malumbay oh aking kaibigan, hindi ka naman nag-iisa, dahil lahat tayo ay "NALINLANG" na nila

Compendium in the Book of Morons '2012


×
×

Log in